kapitbisig.com › Arts and Literature › Mga Pabula (Fables)
Thursday, February 16, 2012
Ang kawawang Sisiw
Si sisiw ay mahilig maglaro sa ilalim ng puno ng mangga, isang araw habang siya ang naglalaro ay humangin ng malakas at nahulog ang ilang bunga sa puno ng mangga ang isang bunga ay tumama sa ulo ng sisiw kung kayat umiiyak na umuwi ang sisiw at nagsumbong sa kang nanay na manok. sinabi niyang masakit ang kanyang ulo dahil sa pagkatama ng bunga ng mangga sa kanyang ulo. Nang dumating ang nanay na bibe ay nagkamustahan ang magkaibigang hayop nasabi ng tandang na maysakit ang kanya anak na si sisiw. Paguwi ng nanay na bibe ay sinabi niya sa kanyang anak na malala ang sakit ni sisiw dahil sa ito ay nahulugan ng buko sa ulo, kayat dali daling nagpunta ang batang bibe sa kanilang kaibigang baboy at sinabing malubha ang kalagayan ni sisiw dahil nahulugan ito ng malaking bato sa ulo kayat si baboy ay pumunta kay kambing at sinabing malapit ng mamatay si sisiw dahil ito ay nabagsakan ng malaking bahay sa ulo kayat ang ulo nito ay durog na. dali dali silang nagpunta sa bahay ni sisiw na umiiyak. nagtaka ang tandang bakit sila umiiyak at sinabi nilang patay na si sisiw. nag taka ang tandang sa sinabi nila. Hindi patay si Sisiw siya ay nagpapahinga lamang sa bahay dahil sumakit ang ulo niya sa pagkahulog ng mangga sa ulo niya. Nagtawanan ang magkakaibigang hayop. Mula noon ay hindi na agad naniniwala ang magkakaibigang hayop sa tuwing maynasasagap silang balita. Inaalam muna nila ang totoong nangyari.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment