Bakit kaya may ilaw sa gabi ang mga alitaptap?
Saan kaya nagmula ang mga ilaw nila?
May ilang mga alamat na nagpapaliwanag kung bakit may liwanag kung gabi ang mga alitaptap.
Noong unang panahon ang mga tao ay gumagamit ng apoy upang magkaroon sila ng liwanag sa gabi. At ang mga hayop ay hindi. Ito ay hindi totoo dahil ang mga alitaptap ay gumagamit ng apoy upang magkaroon ng liwanag sa gabi.
Noong unang panahon ang mga alitaptap ay isang maliliit na kulisap lamang, sa tuwing lumalabas sila sa gabi ay madalas silang nagtatago sa mga damo, halaman o mga bulaklak hindi dahil takot sila sa dilim itoy dahil sila ay kinakain ng mga kabag-kabag, hayop na kumakain ng mga kulisap. nagtaka ang isang bulaklak na si sampaguita kung bakit sila nagtatago sa tuwing lumalabas sila sa gabi. ipinaliwanag nila na sila ay kinakain ng mga kabag-kabag, tuwing maliwanag ang buwan lamang silang malayang nakakalabas dahil hindi sila gaanung nakikita ng kabag-kabag sa liwanag. Nang malaman ito ni Sampaguita ay tinuruan nila ang mga kulisap na gumamit ng apoy. Ginawa ng mga kulisap ang payo ng bulaklak. Sabay sabay na nagdala ng apoy ang mga kulisap kayat silay parang alipatong nagliliwanag sa dilim kayat hindi sila nakain ng mga kabag-kabag.
Mula noon ay lagi ng may dalang apoy ang mga kulisap sa gabi na ngayon ay tinatawag nating alitaptap.
http://www.alamat.com.ph/
No comments:
Post a Comment